isa… dalawa… tatlo…
Written by SimplyMuah on October 8, 2007 – 8:33 pm
isa… inisin ang isa’t isa.
bakit kanyo? e para naman magkaron ng spice ang relationship nyo. wag naman sa point na mag-jojombagan na kayo. ung inis na pa-cute lang ba. kasi di ba parang ulam ren lang yan, pag puro tamis, nakaka-umay. kailangan lagyan mo ng paminta at asin para sumarap. ganun ren sa pag-ibig, dapat me iba’t ibang sangkap para mas malinamnam.
dalawa… gumawa ng mga bagay bagay na pwede nyo pagsamahan dalawa.
maganda na meron kayo kanya kanyang aktibidades sa buhay, pero mainam ren na me ginagawa kayong dalawa na pwede nyong gawing regular activity together. kayo ren, kung ayaw nyo samahan si mister sa mga gimik nya e baka meron sya mahanap na ibang pakner at maisip nya na mas compatible sila. so dapat kayo ang nagpupuno nuon at hindi kung sino sino.
tatlo… gumawa ng ikatlo…
anong ikatlo? ikatlong myembro ng pamilya, ikatlong bebe, ikatlong plano…kahit na anong ikatlo… maganda ung me goal kayo ni mister. para nafo-foresee nyo pa ren na kayo in the future kasi nga me plano kayo para sa future e.
ayan mga misis, simulan na ang pagbibilang… isa, dalawa, tatlo!
